MANILA, Philippines – Nilinaw ng Korte Suprema o SC na walang hurisdiksyon ang National Commission on Indigenous Peoples o NCIP sa isang alitan maliban kung parehong indigenous peoples o IP at galing sa iisang grupo ang mga partidong sangkot.
Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, ibinasura ng SC Third Division ang petisyon na nag-uutos sa isang hukom na ibasura ang hatol sa isang kasong ejectment laban sa isang mag-asawang nagsasabing miyembro sila ng komunidad ng IP.
Nagsimula ang kaso sa unlawful detainer case na inihain ni Kristoffer R. Co Uy laban kina Elvin at Jocelyn Sending, para mapaalis sila sa isang property na nakarehistro sa pangalan ni Co Uy.
Ayon sa SC, sa ilalim ng Section 66 ng IPRA hurisdiksyon Lang ng NCAP ang IP dispute kung lahat ng partidong ng IP at galing sa iisang grupo. Pero sa kasong ito, hindi IP si Co Uy kaya regular na Korte ang dapat magdesisyon.
Dagdag pa ng SC, huli na at walang ebidensya ang pag-aangkin ng mga Sending na sila ay IP.
Inutusan ng SC ang mag-asawa na lisanin ang ari-arian sa loob ng 30 araw.
Binigyang-diin din ng SC na dapat maliwanag ang pagitan ng hurisdiksyon ng tribal at regular na Korte para maprotektahan ang autonomy ng mga IP at karapatan sa due process ng mga hindi IP. Jocelyn Tabangcura-Domenden