Home METRO SC nagbigay ng ‘go signal’ sa pagtatalaga ng treasurer sa Maguindanao del...

SC nagbigay ng ‘go signal’ sa pagtatalaga ng treasurer sa Maguindanao del Norte

MANILA, Philippines- Inaprubahan na ng Supreme Court ang petisyon na humihiling na makapagtalaga ng provincial treasurer para sa lalawigan Maguindanao del Norte.

Kasunod ito ng RA 11550 na naghahati sa Maguindanao sa dalawang magkahiwalay na probinsya na kikilalanin na Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.

Sa 18-pahinang desisyon, inatasan ng Supreme Court Second Division ang regional office ng Bureau of Local Government Finance na iproseso na ang appointment ni Badorie Alonzo o sinumang kwalipikado na italaga ng lalawigan.

Sinabi ng SC na hindi ito papayag na mapilayan ang bagong tatag na Maguindanao del Norte dahil sa kawalan ng provincial treasurer.

Tungkulin ng provincial treasurer na ayusin ang pananalapi ng lalawigan upang matiyak ang maayos na operasyon ng buong local government unit.

Ayon sa Korte Suprema, mahalaga ang mabilis na aksyon sa nabanggit na sitwasyon.

Nag-ugat ang usapin sa inihain na petition for mandamus ni Acting Governor Fatima Ainee Sinsuat. Teresa Tavares