Home NATIONWIDE Mga senador: Kapabayaan sanhi ng paglubog ng bangka sa Laguna de Bay

Mga senador: Kapabayaan sanhi ng paglubog ng bangka sa Laguna de Bay

MANILA, Philippines- Natuklasan ng Senado na pawang korapsyon, kapabayaan at paglabag sa safety protocols ang pangunahing sanhi ng aksidenteng paglubog ng isang bangka sa Laguna de Bay na ikinalunod ng 27 katao.

Iniimbestigahan ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Senador Grace Poe ang paglubog ng MB Aya Express malapit sa bayan ng Binangonan sa Rizal sa kasagsagan ng bagyong Egay.

“This [tragedy] could have been avoided,” ayon kay Poe.

“The [loss of lives] could have been prevented if [the passengers] had life vests… and if the boat was not overloaded,” giit pa ni Poe.

Sa kanyang pagtatanong, ginisa ni Sen. Raffy Tulfo si Philippine Coast Guard (PCG) Petty Officer 2 Jay Rivera na umamin na hindi nito personal na pinuntahan ang MB Aya Express bago maglayag sa daungan ng Binangonan lampas alas-12 ng tanghali.

Aniya, nagtungo ang kapitan ng barko, si Donald Anain, sa kanyang tanggapan saka ibinigay ang listahan ng pasahero, na mayroong 22 pangalan.

Tinatanuran ni River ang PCG substation mahigit 150 metro ang layo kung saan nakadaong ang barko bago umulan at hagupitin ng hangin dala ng bagyong Egay ang bangkang kahoy kaya tumaob at nahulog ang pasahero sa lawa.

“I actually checked the passenger manifest [before the boat was allowed to leave]. But I did not [perform a physical inspection],” ayon kay Rivera.

“If you had only done your job,” banggit ni Tulfo sa PCG officer, “nobody would have died. You could have stopped the boat from leaving because it was overloaded.”

“You were really negligent. You should be in jail now [like Anain],” dagdag ng senador.

“You have the power but did not use it. Maybe we can ask you ‘how much’ was the reason [why you let the boat sail],” tanong ni Tulfo.

Nitong Agosto 2 naghain ng reklamo ang PCG sa Office of the Provincial Prosecutor sa Taytay, Rizal, sa kasong syndicated estafa laban kay Anain at iba pa sanhi ng “fraud” at “misrepresentation.”

Bukod ka Rivera, kasamang kinasuhan din si PCG Rizal chief, Lt. j.g. Arjohn Elumba, na nagsabing dapat pinuntahan ni Rivera ang bangka saka binilang ang pasahero.

Natuklasan din sa Senado na isinailalim sa administrative relief ni PCG Commander Adm. Artemio Abu sina Rivera at Elumba matapos ang insidente.

“One thing is certain. There was negligence on the part of our people. We are brave enough to accept the consequences of our actions,” ayon kay Abu.

“Based on our investigation, it proved that there was negligence on the part of our personnel,” pahayag niya. “Yes, our personnel really committed negligence. It is clear that they had shortcomings. And we are aware of this” giit pa niya.

Sinabi ni Anain sa pagdinig na lumampas sa pinapayagang kapasidad sa 42 pasahero ang bangka at pero umabot s 43 katao ang nakaligtas sa trahedya.

Samantala, inamin naman ni Anain na wala itong lisensya mula sa Maritime Industry Authority (Marina) na patakbuhin ang bangka at dumalo lamang sa tatlong araw na pagsasanay.

Tanging “SIB,” o ang seafarer identification book ang kanyang hawak na nagpapakita ng record ng paglalayag at serbisyo bilang boat captains at crew members.

“It’s like a student driver’s permit for land vehicles,” aniya.

Sagot naman ni Anain kay Poe kung bakit siya naglalayag nang walang kaukulang lisensiya, “Because the PCG honors the SIB.”

Ngunit pinabulaanan naman nina Abu at Marina Deputy Administrator for Operations Nanette Dinopol ang pahayag ni Anain.

Inamin din ni Anain sa pagdinig na nilalagyan niya ang PCG officer upang maiwasan ang mahigpit na inspeksyon sa bangka. Katunayan aniya, binigyan niya si Rivera ng P100 halaga ng saging at P50 bago maganap ang insidente. Ernie Reyes