Home NATIONWIDE SC naglunsad ng portal sa mas malapit, libreng serbisyong legal sa mahihirap

SC naglunsad ng portal sa mas malapit, libreng serbisyong legal sa mahihirap

219
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng mas pinaigting na hakbang upang palawakin ang pagkamit ng hustisya sa bansa at mas mapalapit ang serbisyong legal sa mga mahihirap na Pilipino, ang Korte Suprema ay inilunsad ang ULAS o Unified Legal Aid Service, Portal Phase 1.

Ang ULAS Portal ay isang digital platform na idinisenyo upang gawing mas sistematiko, episyente, at transparent ang pagmo-monitor sa mandatory pro bono legal services ng mga abogado at sa pamamagitan nito ay mas madali ng maisusumite ang compliance reports at mas maayos na masusubaybayan ang pagtupad ng mga miyembro ng bar sa kanilang obligasyon.

Kasabay ng launching ay nilagdaan ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng ULAS Office at ng National Anti-Poverty Commission, Commission on Human Rights, National Commission on Indigenous Peoples, at Presidential Commission for the Urban Poor upang palakasin ang referral system para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na ang access sa paghahanap ng hustisya ay nananatiling isa sa pinakamakaking hamon, katunayan ay marami sa ating mga kababayan ang nahaharap sa mga ligal na isyu pero maliit na porsyento lang ang nakakakuha ng wastong legal assistance. 

Ayon pa kay Gesmundo, ang kakulangan sa pinansyal at impormasyon anya ang malaking balakid kaya napipigilan ang vulnerable sectors o mga mahihina sa paghahanap ng magtatanggol sa kanila.

Dahil sa ULAS, sinabi ng chief Justice na  mas marami pang mahihirap at marginalized na Pilipino ang inaasahang makikinabang sa libreng serbisyong legal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here