Home NATIONWIDE SC One Stop Shop binuksan na!

SC One Stop Shop binuksan na!

MANILA, Philippines – Binuksan ng Supreme Court ang bagong One-Stop Shop building para sa mas sistematiko, organisado at mahusay na daloy ng trabaho ng court processes na nasa frontline.

Mismong si Chief Justice Alexander Gesmundo ang nagpasinaya sa One-Stop Shop na matatagpuan pagpasok sa gate ng New Building sa Padre Faura Street, Ermita, Manila.

Nasa One-Stop-Shop ang Judicial Records Office (JRO), Fiscal Management and Budget Office (FMBO-Cashier), at Office of the Bar Confidant (OBC). Ang mga nabanggit na tangapan ang direktang nakikitungo sa publiko kaya malaking bagay na nasa iisang bubong ang mga ito.

“The Receiving Section of the JRO remains to be its dominant function for which separate windows have been designated for those filing initiatory pleadings and petitions, and those for subsequent pleadings. Both are directly encoded into the system immediately upon receipt to curb delay, with the initiatory pleadings being prepared for raffle.”

Isa sa ipinakilalang pagbabago sa One-Stop-Shop ay ang pagkkaroon ng area para sa Office of the Bar Confidant (OBC) na siyang tatangap ng mga requests para sa iba’t ibang certifications gaya ng para sa bar membership, bar ratings, good standing (no pending case), verification, at bar examinations abroad.

Tatangap din ang OBC ng administrative cases at reklamo laban sa mga abugado.

“It will also add windows during “bar season” to accommodate the number of bar applicants and candidates.
A most welcome addition are the FMBO-Cashier windows on site. This had been a constant source of frustration for court filers in the past as they would have to go all the way to the old building to pay the necessary fees to beat the 4:30 p.m. cut off. With the new One-Stop-Shop, filers are served promptly with the added convenience of the Judiciary e-Payment System (JePS).”

Ang One-Stop-Shop ay bahagi ng Strategic Plan for Judicial Innovations’ (SPJI) ng Korte Suprema para agad makatugon sa pangangailangan ng publiko. Teresa Tavares

Previous articleWest Philippine Sea ‘real flashpoint’ hindi Taiwan – Amb. Romualdez
Next articleKakulangan ng organ donor sa Pinas pinaliwanag ng DOH