MANILA, Philippines – Iniugnay ng Department of Health (DOH) ang kakulangan ng mga organ donor sa Pilipinas ang mahigpit na proseso ng donasyon.
Paliwanag ni DOH Undersecretary Eric Tayag , ang living donors ay maaring hindi mag-match o maari ding natatakot o walang makuhang ang mga kamag-anak na donors.
Maari ding umanong may mga kamag-anak pero nasa ibang lugar lalo na’t maraming papeles na dapat kumpletuhin bago payagan.
Binigyang-diin ni Tayag ang kahalagahan ng pagtugon sa mga ulat ng organ trafficking na aniya may mga ulat na binibili ang body organs kaya minabuti ng DOH na maghigpit sa proseso.
Para naman sa livig non-related donors, sinabi ni DOH official na iniiwasan din na mag palitan ng pera.
Sinabi ni Tayag na ang mahigpit na mga pataaran ay naglalayong pigilan ang organ donation mula sa pagiging isang Negosyo ,na kinikilala ang mga patuloy na pagkakataon ng mga indibidwal na nabebenta ng mg organ dahil sa pangangailangan.
Sa akso ng mga brain-dead na indibidwal, sa kabila ng pagpapahayag ng kanilang pagnanais na mag-donate ng mga organ, ang pinakahuling desisyon ay nakasalalay sa pamilya.
Dagdag pa rito, binigyan-diin ni Tayag na ang Kagawaran kasama ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at iba pang mga organisasyon, ay nagpa[atuloy sa kampanya nito upang itaas ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng organ donations. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)