Home METRO SC: Operasyon ng ilang korte, suspendido ngayong Lunes, Sept. 4 sa masamang...

SC: Operasyon ng ilang korte, suspendido ngayong Lunes, Sept. 4 sa masamang panahon

MANILA, Philippines- Suspendido ang operasyon ng ilang korte ngayong Lunes, Setyembre 4,  dahil sa masamang panahon at pagbaha, ayon sa Supreme Court.

Suspendido ang operasyon sa:

  • Lahat ng korte sa Dagupan City, Pangasinan

  • Hall of Justice sa Lingayen, Pangasinan

Samantala, kanselado naman ang klase sa ilang lokalidad ngayong Lunes dahil pa rin sa pag-ulan dulot ni Bagyong Hanna at ng Habagat.

Kinansela rin ng ilang airlines ang mga flight nito dahil sa masungit na panahon.

Hanggang nitong alas-4 ng umaga, sinabi ng PAGASA na nananatili ang Signal No. 1 sa over Batanes sa pag-landfall ni Bagyong Hanna (international name: Haikui) sa Kaohsiung City sa Taiwan.

Pinalalakas din ni Hanna ang Southwest Monsoon (Habagat) na magdadala ng occasional to monsoon rains sa western portion ng Luzon at Antique sa sunod na tatlong araw. RNT/SA