Home NATIONWIDE NoKor nagsagawa ng ‘tactical nuclear attack’ drill

NoKor nagsagawa ng ‘tactical nuclear attack’ drill

SEOUL- Nagsagawa ang North Korea ng simulated “tactical nuclear attack” drill nitong Sabado, kung saan kasama ang dalawang long-range cruise missiles, ayon sa state media nitong Linggo, sa pag-inspeksyon ni ng pinunong si Kim Jong Un sa shipbuilding at munitions factories.

Sinabi ng KCNA news agency na isinagawa ang drill nitong Sabado upang “balaan ang mga kaaway” na handa ang bansa sa nuclear war sa pangako ng Pyongyang na palalakasin ang military deterrence laban sa Washington at Seoul.

Inilunsad ang dalawang cruise missiles na may kargang mock nuclear warheads patungo sa West Sea ng peninsula.

Ayon sa hiwalay na pahayag, binisita ni Kim ang Pukjung Machine Complex, na gumagawa ng marine engines, at isang major munitions factory upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapalakas ng naval forces ng Pyongyang.

“He affirmed that a future plenary meeting of the Central Committee of the WPK (Worker’s Party of Korea) would set forth an important modernization of the complex and the development direction of the shipbuilding industry,” pahayag ng KCNA.

Hindi idinetalye sa pahayag kung kailan naganap ang pagbisita.

Kasunod ang pinakabagong missile test ng joint annual summertime exercises sa pagitan ng South Korea at ng United States, na kilalang Ulchi Freedom Shield. RNT/SA