Home METRO SC tatanggap ng Shari’ah Special Bar Exam application mula Disyembre 1-12

SC tatanggap ng Shari’ah Special Bar Exam application mula Disyembre 1-12

369
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Mula Disyembre 1 hanggang 12, 2025 ay tatanggap na ng aplikasyon ang Korte Suprema para sa Shari’ah Special Bar Examinations.

Ayon sa SC, isasagawa ang filing sa pamamagitan ng BARISTA app at ang pagsusulit ay gaganapin sa May 24 at 27, 2026.

Sinabi ni Atty. Camille Ting, tagapagsalita ng Korte Suprema, ilalabas din sa susunod na Bar Bulletin ang kompletong detalye hinggil sa mga requirements at proseso ng aplikasyon.

Sa mga aplikante at interesadong partido, pinapayuhan din na manatiling nakaantabay para sa mga karagdagang anunsyo.

Ang Shari’ah Bar Exam ay isang espesyal at hiwalay na pagsusulit mula sa regular Bar Examination na nakatuon sa Islamic law practice sa mga Shari’ah courts ng Pilipinas at unang isinagawa noong 1983. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here