Home NATIONWIDE Scam calls, messages lalong naging talamak

Scam calls, messages lalong naging talamak

187
0

MANILA, Philippines- Lumago ang bilang ng scam calls at messages sa Pilipinas ng 200 porsyento sa unang walong buwan ng 2024 kumapara noong nakaraang taon, ayon sa anti-scam app na Whoscall noong Miyerkules.

Mula Enero 1 hanggang Agosto 15, 2024, ang Whoscall ay nagtala ng higit sa 3,032,626 text scam at 320,978 scam call sa pamamagitan ng community reporting program nito. Milyon-milyong higit pa sa mga mensaheng spam at spam na tawag ang naiulat din.

Ayon sa developer ng app, Gogolook, ang pinakakaraniwang uri ng mga scam ay ang mga sumusunod:

  • 25% ang nanghikayat ng mga tao na magparehistro sa mga phishing site

  • 18% ang nag-alok ng mga pekeng gift card o promosyon

  • 17% ang nag-promote ng pag-download ng mga app mula sa hindi awtorisadong pinagmulan

  • 15% kombinasyon ng mga scam sa trabaho, pautang, at pamumuhunan

  • 14% ang tumarget ng pagbili ng mga gadget

Sinabi ni Gogolook Country Representative for the Philippines Mel Migrino sa Kapihan sa Manila Bay news forum, ang scammers ay my ideya kung saan naging target ang isang indibidwal.

Binigyang-diin ni Migrino, kaya sila nag-ooperate ng PAOCC at ang NBI kasama ng PNP ay dahil may mga taong kailangang habulin.

Ayon naman kay CICC Executive Director, Undersecretary Alexander Ramos, ipinapakita sa rekord na marami na silang nahuli.

Sinabi ni Migrino na nagkakaroon pa rin ng problema kahit na ang SIM Card Registration Law na ipinatupad upang masolusyunan ang scams.

Ngunit kahit na si Ramos ay aminado na ang Sim Card Registration Law ay kailangang i-update upang mas mahusay na matugunan ang patuloy na umuusbong na mga diskarte sa scam.

Sinabi ni Ramos na susi rin ang batas na nagre-regulate sa paggamit ng artificial intelligence dahil maraming mga scam ang gumagamit na ng teknolohiya.

Sa bahagi nito, ang Whoscall ay nagsusulong ng public awareness laban sa mga scam sa pamamagitan ng app nito na nakikilala sa pagitan ng mga numero ng scam at mga lehitimong contact.

Samantala, naniniwala ang CICC na ang bagong naisabatas na Anti-Financial Account Scamming Law ay higit na magpapatibay sa layunin nito.

Kasalukuyang binabalangkas pa rin ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang implementing rules and regulations ng panukala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here