Home METRO Lalaking OFW kalaboso sa pangmomolestiya!

Lalaking OFW kalaboso sa pangmomolestiya!

MANILA, Philippines- Isang 44-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) ang mahaharap sa reklamong umano’y pang-aabuso, matapos ipagharap ng reklamo sa korte at maaresto sa lungsod ng Gapan nitong Miyerkules.

Ganap na alas-12:10 ng madaling-araw nang magkasa ng isang operasyon ang pinagsanib na operatiba ng kapulisan, gamit ang alternative recording device, sa Barangay San Nicolas, Gapan City, Nueva Ecija.

Kinilala ang arestadong suspek na si Rodel De Guzman y Gamboa, 44, may asawa, residente ng Barangay San Nicolas, Gapan City.

Tuluyan namang naaresto ang umano’y suspek makaraang maisilbi rito ang inisyung warrant ng korte sa kasong Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women And Their Children Act Of 2004), may criminal case number 17793-14, may petsang Pebrero 17, 2021 sa Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 35, Gapan City at walang piyansa.

Dagdag pa rito, napag-alaman rin na ang suspek ay nakatala sa Gapan City police station bilang top 10 most wanted person sa city level.

Ang suspek ay pansamantalang nasa custodial facility ng Gapan CPS. Elsa Navallo