Home NATIONWIDE Scam calls sa Pinas tumaas ng 78% sa ikatlong quarter ng 2025

Scam calls sa Pinas tumaas ng 78% sa ikatlong quarter ng 2025

318
0

MANILA, Philippines — Tumaas ng 78.44% ang bilang ng scam calls sa Pilipinas sa ikatlong quarter ng 2025, ayon sa Whoscall Scam Report ng global anti-scam app developer na Gogolook.

Naitala ng Whoscall ang 62,390 scam calls mula Hulyo hanggang Setyembre, mas mataas kumpara sa 34,964 noong nakaraang quarter. Gayunman, mas mababa pa rin ito ng 62.24% kumpara sa 165,236 na tawag sa parehong panahon noong 2024.

Bumaba naman ang bilang ng SMS scams ng 42.17% sa 37,609 cases — isang malaking pagbaba mula sa 1.64 milyong kaso noong nakaraang taon.

Ayon kay Gogolook Philippines Country Head Mel Migriño, mas maingat na ngayon ang mga Pilipino sa pag-click ng mga kahina-hinalang link kaya lumipat ang mga scammer sa tawag at social media.

“They are taking advantage of legitimate promotional calls like credit card limit upgrades,” aniya, kaya mas kapani-paniwala sa mga biktima ang modus.

Pinuri ni Migriño ang tuloy-tuloy na pagbaba ng text scams dahil sa mga operasyon ng awtoridad at kampanya sa publiko laban sa online fraud.

Samantala, hinimok ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko na mag-ulat ng mga insidente ng scam. “Public reports serve as leads for investigation and help build awareness against online fraud,” ayon kay acting executive director Usec. Renato “Aboy” Paraiso.

Nadiskubre rin ng Whoscall ang 27,510 malicious links sa Q3 — tumaas ng 31.65% mula sa nakaraang quarter — karamihan ay nagpapanggap na mga loan o reward offer mula sa bangko. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here