Home NATIONWIDE Scammer na nagpapanggap na empleyado ng LTO arestado ng NBI

Scammer na nagpapanggap na empleyado ng LTO arestado ng NBI

228
0

MANILA, Philippines -Inanunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakaaresto sa umano’y scammer sa isang entrapment operation sa isang mall sa Maynila.

Ayon sa NBI, nagpapakilalang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) ay sinasabing kaya nitong magproseso ng drivers license at registration ng motorsiklo nang may bayad.

Gayunman, nang beripikahin ng ahensya sa LTO, lumitaw na ang scammer na lalaki ay hindi empleyado o hindi awtorisado na gumawa ng opisyal na transaksyon.

Natuklasan din na ang nasabing indibidwal ay may warrant of arrest para sa statutory rape na inilabas ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 26.

Bunsod nito, nagsagawa ng entrapment operation noong Hulyo 28 matapos mahuli sa akto na may matalas na armas.

Sinabi ng NBI na ang complainant ay nagreklamo ng usurpation of authority at official function, estafa at illega use of fictitious name laban sa scammer sa Manila City Prosectors Office.

Inirekomenda rin ng NBI na kasuhan ng pagkakaroon nito ng armas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here