Home NATIONWIDE School heads may awtoridad na magsuspinde ng klase sa matinding init –...

School heads may awtoridad na magsuspinde ng klase sa matinding init – DepEd

MANILA, Philippines- Maaaring magdesisyon ang school heads kung kailangang suspendihin ang face-to-face classes sa kani-kanilang paaralan dahil sa matinding init dulot ng El Niño phenomenon, ayon sa Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules.

Inanunsyo ito ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas kung saan binigyang-diin ang polisiya sa class suspension sa public schools sa buong bansa dahil sa nagbabadyang pag-iral ng El Niño hanggang May 2024.

“Since they are the school managers, meron silang ganoong authority na naibigay sa kanila at ine-expect natin that they will exercise very wise discretion when it comes to suspension of classes, including ‘yung pagbibigay ng mga intervention activities for lost hours,” pahayag ni Bringas sa isang panayam.

Sinuspinde ang face-to-face classes sa lahat ng lebel sa Negros Occidental noong Lunes dahil sa pagtatayang 41°C heat index sa lugar.

Gayundin, sinuspinde ang klase mula elementary hanggang senior high school levels sa Bacolod City upang protektahan ang mga estudyante, guro, at iba pang staff mula sa init.

Bilang paghahanda para sa mas mainit na panahon, naglagay ang isang paaralan sa Metro Manila ng cold water dispensers at working electric fan units, at sinuspinde ang outdoor activities.

Pahayag ni Bringas, maaaring magsuot ang mga estudyante at mga guro ng ams komportableng kasuotan bukod sa kanilang regular uniforms upang maibsan ang nararamdamang init habang nasa paaralan.

Ayon sa state weather bureau PAGASA, inaasahang tatagal ang El Niño hanggang March-April-May 2024, na may 74% tiyansang lumipat sa El Niño–Southern Oscillation (ENSO) neutral conditions sa April-May-June 2024. RNT/SA

Previous articleKelot nag-amok timbog!
Next articleCha-cha sa pamamagitan ng people’s initiative bill itinulak sa Senado