Home METRO Kelot nag-amok timbog!

Kelot nag-amok timbog!

MANILA, Philippines- Napigilan ng mga rumespondeng pulis ang amok dahil sa tawag ng concerned citizen sa Makati City Police Station Substation 7 sa Guadalupe Nuevo, Makati City.

Naaresto at hindi na nakapalag si alyas Ernil, nitong March 12, 2024, sa Jervois St., Brgy. Pinagkaisahan, Makati City.

Naaresto si alyas Emil ng agad na rumespondeng mga pulis ng Substation 7 bandang alas-4 ng hapon nitong Martes makaraang magsumbong ang mga residente sa Substation 7 sa pagwawala ng suspek at pagpapakita ng ” erratic behavior.”

Lumalabas sa imbestigasyon na si alyas Ernil ay inabutan ng mga pulis na nagwawala sa Jervois St., habang may hawak na 8- inches kitchen knife kaya mabilis siyang inaresto.

Sa pagrerekisa, nakuha rin sa suspek ang dalawang medium heat-sealed plastic sachet na may lamang 11 gramo ng shabu na may street value na ₱74,800.00.

Nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong illegal possession ng bladed weapon, possession ng drugs àt “violent outburst.” Dave Baluyot

Previous articlePH, US, Japan magsasagawa ng trilateral meetings sa Manila, Washington – senior officials
Next articleSchool heads may awtoridad na magsuspinde ng klase sa matinding init – DepEd