Home METRO School Principal arestado sa anti-drug ops sa Surigao del Sur

School Principal arestado sa anti-drug ops sa Surigao del Sur

148
0

SURIGAO DEL SUR, Philippines – Arestado ang isang 45-anyos na school principal sa Barangay Poblacion, Tagbina, Surigao del Sur noong Marso 20 sa anti-illegal drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa PDEA, isinagawa ang buy-bust matapos masuri at masubaybayan ang suspek para kumpirmahin ang kanyang sangkot sa ilegal na droga sa lugar. Narekober sa kanya ang dalawang sachet ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P6,800.

Kasulukuyan siyang nasa kustodiya ng Tagbina Municipal Police Station at kakasuhan sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here