MASINLOC, ZAMBALES- Sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang biyahe sa dagat nitong Sabado ng hapon sa lalawigang ito dahil sa inaasahang masamang kondisyon ng karagatan bunsod ng hagupit ni Super Typhoon Pepito (international name: Man-yi).
Sa abiso, sinabi ni PCG-Zambales station chief Commander Euphraim Jayson Diciano na lahat ng seacrafts patungo o dumaraan sa lalawigan, maliban sa mga sisilong sa mga pantalan ng lalawigan, ay hindi pinapayagan.
Pinayuhan din ang coastal communities at mga mangingisda na iwasan muna ang sea activities bago o sa kasagsagan ng pananalasa ng masamang panahon upang maiwasan ang insidente. RNT/SA