MANILA, Philippines- Inihayag ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kinansela ang lahat ng flight simula kahapon, Sabado, kasabay ng pansamantalang pagsasara ng Bicol Tower dahil sa Super Typhoon Pepito (international name Man-yi).
Ayon sa tagapagsalita ng CAAP na si Eric Apolonio, ang huling flight nitong Sabado ay ang CEB 325/326.
Ayon sa CAAP, ang Bicol International Airport, gayundin ang mga paliparan sa Naga at Virac ay nagsulong ng kanilang paghahanda kung saan inilalagay ang lahat ng mga hakbang sa pag-iingat.
Samantala, iniulat din ng CAAP na ang mga paliparan ng Tacloban at Calbayog ay mayroong 30 kanseladong flight, na nakaapekto sa mahigit 1,400 indibidwal.
Nauna nang inanunsyo ng mga local carrier na Philippine Airlines at Cebu Pacific ang pagkansela ng ilang domestic flights sa pamamagitan ng Maynila, bilang pag-asam sa posibleng epekto ng Pepito.
Ang mga kanseladong flight ay:
PR2981/2982 Manila-Tacloban-Manila
PR2985/2986 Manila-Tacloban-Manila
PR2987/2988 Manila-Tacloban-Manila
PR2921/2922 Manila-Daraga (Legazpi)-Manila
PR2919/2920 Manila-Daraga (Legazpi)-Manila
PR2923/2924 Manila-Daraga (Legazpi)-Manila
PR2927/2928 Cebu-Daraga (Legazpi)-Cebu
PR2234/2235 Cebu-Tacloban-Cebu
PR2238/2239 Cebu-Tacloban-Cebu
PR2671/2672 Manila-Calbayog-Manila
DG 6113/6114: Manila-Naga-Manila
DG 6117/6118: Manila-Naga-Manila
DG 6177/6178: Manila-Masbate-Manila
DG 6195/6196: Manila-Legazpi-Manila
DG 6208/6209: Cebu-Legazpi-Cebu
DG 6210/6211: Cebu-Legazpi-Cebu
DG 6546/6547: Cebu-Calbayog-Cebu
DG 6577/6578: Cebu-Tacloban-Cebu
DG 6579/6580: Cebu-Tacloban-Cebu
5J 323/324: Manila-Legazpi-Manila
• 5J 4768/4769: Davao-Tacloban-Davao
5J 4898/4899: Iloilo-Tacloban-Iloilo
5J 651/652: Manila-Tacloban-Manila
5J 653/654: Manila-Tacloban-Manila
5J 657/658: Manila-Tacloban-Manila
5J 659/660: Manila-Tacloban-Manila
5J 821/822: Manila-Virac-Manila