Home HOME BANNER STORY Search and rescue sa nawawalang pasahero ng ferry sa Batangas, nagpapatuloy

Search and rescue sa nawawalang pasahero ng ferry sa Batangas, nagpapatuloy

237
0

MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang 53 anyos na pasahero ng ferry na nawala noong Disyembre 14.

Ayon sa ulat, nag-deploy ang PCG ng mga eroplano at barko para hanapin si Danilo Villaluz sa mga tubig sa Batangas, Oriental Mindoro, at Western Visayas.

Namigay rin ng mga leaflet na may impormasyon tungkol sa nawawalang pasahero.

Si Villaluz ay patungo sana sa Bacolod City para dalawin ang anak niyang may sakit. Natuklasan na nawawala siya matapos na maiwan ang mga gamit niya sa bus na sinakyan niya na nasa ferry.

Agad na naglunsad ng search and rescue operations ang PCG matapos matanggap ang ulat noong Disyembre 15.

Nag-issue rin ng Notice to Mariners sa lahat ng komersyal na barko sa lugar.

Ayon kay PCG spokesperson Captain Noemie Cayabyab, patuloy ang koordinasyon ng Coast Guard sa mga barko sa lugar at may pag-asa pa silang makita si Villaluz. Dagdag pa niya, maaaring tumagal ng apat hanggang limang araw ang operasyon.

Samantala, nakausap na ng mga imbestigador ng PCG ang mga opisyal ng shipping company, pero ayon kay Cayabyab, hindi malinaw ang CCTV footage at patuloy ang imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here