MANILA, Philippines – INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaaring mag-avail ng emergency loan ang mga kuwalipikadong miyembro ng Social Security Systems (SSS) simula ngayong Disyembre, na mayroong anim na buwan na moratorium.
Ito’y bilang ang bansa ay isinailalim sa state of national calamity matapos tamaan ang Pilipinas na mapaminsalang bagyo.
“Simula itong Disyembre na ito ay makakapagbigay na ang SSS ng tinatawag na emergency loan,” ayon sa Pangulo sa isang video message.
“Ito ay isang pautang na ang bayad, 7% lang,” dagdag na wika ng Pangulo. KRIS JOSE