Home METRO Seaweed production palalakasin ng Arteche, Eastern Samar

Seaweed production palalakasin ng Arteche, Eastern Samar

MANILA, Philippines – Palalakasin ng munisipalidad ng Arteche, Eastern Samar ang seaweed production trading nito sa Samar Island.

Ayon kay Mayor Roland Boie Evardone, nasa kabuuang P16 milyong halaga ng proyekto ang opisyal na itinurn-over nitong Biyernes, Hunyo 14 para sa Eastern Samar Seaweeds Production and Trading Enterprise (ESSPATE) ng Department of Agriculture-8 at pamahalaang panlalawigan.

Ang proyekto ay pinondohan ng Philippine Rural Development Program (PRDP).

Nakatanggap ito ng 20 percent counterpart mula sa provincial government, kasama ang kontribusyon na P3 milyon mula sa Catumsan Crab Growers Association.

“We are expecting to increase the production of seaweeds to provide an alternative source of income for the fisherfolk,” ani Evardone.

Dagdag pa niya, magsisilbing consolidator ng lahat ng seaweeds ang Arteche para sa lahat ng maipo-produce ng sub-proponent groups.

Ang Arteche ay matatagpuan sa pinakadulong hilaga ng Eastern Samar. Matatagpuan dito ang pinakamalaking mangrove forest sa probinsya at may umuusbong na industriya ng seaweeds. RNT/JGC