Home METRO 5 sugatan sa tumagilid na trak sa Ilocos Norte

5 sugatan sa tumagilid na trak sa Ilocos Norte

MANILA, Philippines – Sugatan ang limang indibidwal matapos na tumagilid ang isang trak sa Barangay Baruyen, Bangui, Ilocos Norte.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Edwin Morales, 54, driver; Cedrick Andaya, 25, helper; Aurora Castro, 65, truck owner; passenger Rafael Sera, 11; at Alfredo Idio, 46, helper, lahat ay residente ng Barangay Pias, Mapandan, Pangasinan.

Sa imbestigasyon, sinubukan ni Morales na magpalit sa low gear sa pababang bahagi ng kalsada ngunit nawalan ng kontrol sa sasakyan.

Dahil dito ay tumagilid ang trak at nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga sakay nito.

Dinala sa Bangui District Hospital at kalaunan ay inilipat sa ospital sa Batac City, ang mga biktima. RNT/JGC