MANILA, Philippines – MANANATILI sa kanyang puwesto si National Security Adviser Eduardo Año matapos na magsumite ito ng kanyang courtesy resignation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
”Ayon po sa ating Pangulo and I quote, ‘Secretary Año has been having to deal with health issues ever since the time of the pandemic, however, he has kindly agreed to stay on in the NSC as he feels.’ And the President agrees, our President agrees that he can continue to do the fine job he has been doing,” ani Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Sa kabilang dako, hinggil naman sa pagpapaliban ng Commission on Appointments (CA) sa paggisa kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Jay Ruiz para sa kumpirmasyon nito sa puwesto, ay sinabi ni Castro na “Ayon po sa Pangulo at ayon na rin po kay Secretary Jay, sabi po ng Pangulo ay magtuluy-tuloy lang po sa kaniyang pagtatrabaho.”
Tiniyak ni Castro na hindi makakaapekto ang katayuan ni Ruiz sa kampanya ng gobyerno laban sa fake news.
“Hindi naman po. Kung anuman po, sinuman po ang namumuno sa PCO, iyan din po ang magiging direktiba ng Pangulo – kalabanin at pahintuin hangga’t maaari ang mga fake news.”
Nauna rito, mahigpit ang ginawang pagsusuri ni Pangulong Marcos sa performance ng mga miyembro ng kanyang gabinete.
Sa isang ambush interview matapos ang oath-taking ceremony ni bagong Associate Justice Raul Villanueva sa Kalayaan PBS, Malakanyang, sinabi ng Pangulo na nananatili pa rin ang proseso ng pagsusuri at pagrepaso sa performance ng mga ito.
“You know, I have to explain that it’s not a Cabinet revamp. What we really did was we are still in the process of examining. Now, nasa baba na tayo. What happened really here was that I put everyone on notice that you are all on, basically all on probation,” ayon sa Pangulo.
“And, okay, this time, it looks like ‘yung iba maganda naman ang performance,” dagdag na wika ng Pangulo.
Sa ngayon, aniya ay nasa level na sila ng Undersecretary at mga ahensiya.
“But we are, what essentially, what you call, what you refer to as a Cabinet revamp, it’s not a one-shot, one-time, big-time thing. It is an ongoing thing. This is something, it is essentially putting all government agencies, departments on notice that we have to do better. And we will be looking very, very closely and we will make that review on a periodic basis,” ang pahayag nito.
“Maybe a quarterly basis. Titignan natin, ‘yung mga target ba natin, nakuha ba natin, on a quarterly basis. And we’ll be much, much more rigorous in looking at the performance, not only at the top level, but all the way. All the way. And that’s why we’ll see, I’m sure you will see more changes in the future,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. Kris Jose