MANILA, Philippines – Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na mailalabas ang bakuna kontra African swine fever (ASF) sa ikatlong quarter ng 2025, habang hinihintay ang pag-apruba ng mga third-party na eksperto.
Kapag pumasa, ieendorso ito sa Food and Drugs Administration sa Hulyo.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., makatutulong ito sa pagbawi ng populasyon ng baboy sa bansa na bumaba mula 14 milyon hanggang 8 milyon dahil sa ASF. Santi Celario