Home NATIONWIDE Prinsipal niratrat ng riding-in-tandem sa Maguindanao

Prinsipal niratrat ng riding-in-tandem sa Maguindanao

223
0

MANILA, Philippines – Sugatan nang malubha si Dr. Alamansa Ambiton, punong-guro ng Sapakan Central Elementary School sa Rajah Buayan, Maguindanao del Sur, matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng motorsiklo.

Nangyari ang pamamaril bandang alas-11 ng umaga sa tapat ng paaralan.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng .45 kalibre. Isinugod si Ambiton sa ospital sa Datu Hofer. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here