Home NATIONWIDE Security policy ng BuCor sa pagbiyahe ng mga PDL rerebisahin

Security policy ng BuCor sa pagbiyahe ng mga PDL rerebisahin

MANILA, Philippines- Rerepasuhin ng Bureau of Corrections (BuCor) ang security policies nito sa pagbiyahe ng persons deprived of liberty (PDLs) matapos ang insidenteng nangyari sa mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang tinangkang itakas ang binabantayan nilang Chinese detainee.

Ipinag-utos na ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa intelligence, security and operations units ng ahensya na simulan na ang rebyu ng kanilang security policy.

Iginiit ni Catapang na mas makabubuti na magpatupad ng precautionary measures.

“The review aims to identify vulnerabilities and implement more stringent protocols to safeguard the transportation of high-risk detainees effectively,” ani Catapang.

Inatasan ni Catapang ang nasabing unit na agad isumite sa kanyang tangapan ang resulta ng kanilang pagrebisa. Teresa Tavares