Home HOME BANNER STORY Seguridad sa impeachment trial vs VP Sara, pinaigting ng PNP

Seguridad sa impeachment trial vs VP Sara, pinaigting ng PNP

3
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad at intelligence monitoring para matiyak ang mapayapa, maayos, at ligtas na pagdaraos ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na magsisimula sa Hulyo 6.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., wala pa silang namomonitor na tiyak o kapani-paniwalang banta kaugnay ng paglilitis. Gayunman, patuloy ang kanilang pagbabantay at pakikipag-ugnayan sa mga intelligence at operational units.

Sinabi rin niyang nakahanda ang PNP na magbigay ng seguridad kapag pormal na itong hiniling ng Senado. Maglalatag din sila ng mga contingency plan at magsasagawa ng regular na security assessment bago ang bawat pagdinig.

Babantayan din ng PNP ang posibleng ekstremistang aktibidad, kaguluhan, at mga maling impormasyon na maaaring magdulot ng karahasan.

Samantala, sinabi ni PNP spokesperson Col. Allen Rae Co na aarestuhin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung muling lilitaw ito sa impeachment trial dahil may utos ang PNP na ipatupad ang warrant laban sa kanya.

Magpapakalat din ang PNP ng sapat na bilang ng mga pulis at makikipag-ugnayan sa Senado at iba pang ahensya upang matiyak na magiging maayos ang buong proseso ng paglilitis. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here