Home NATIONWIDE Seguridad sa karagatan, patuloy na binabantayan ng PCG

Seguridad sa karagatan, patuloy na binabantayan ng PCG

4
0

MANILA, Philippines – Nananatiling naka-heightened readiness ang Philippine Coast Guard (PCG) habang nagpapatuloy ang maritime security operations nito para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Metro Manila.

Sa ulat nitong Lunes, Nobyembre 16, sinabi ng PCG na patuloy ang deployment ng mga tauhan at sasakyang pandagat upang matiyak ang seguridad sa Manila Bay at mga karatig na katubigan.

Kabilang sa mga hakbang ang regular na maritime patrols, tuloy-tuloy na monitoring at pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang mga posibleng banta sa seguridad.

Layunin ng mga operasyon na mapanatili ang kaligtasan ng mga delegado, kalahok at publiko habang nagpapatuloy ang mga aktibidad na may kaugnayan sa ASEAN Summit.

Samantala, idineklara ng Malacañang na special non-working days ang Nobyembre 16 hanggang 18 sa buong National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Proclamation No. 1447 upang mabawasan ang trapiko at mapadali ang pagpapatupad ng seguridad para sa pagtitipon ng mga lider ng ASEAN.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here