Home NATIONWIDE Sekyu na akusado sa kasong frustrated homicide sa Valenzuela, huli sa Pasig...

Sekyu na akusado sa kasong frustrated homicide sa Valenzuela, huli sa Pasig City

145
0

MANILA, Philippines – Nagwakas ang pagtatago sa batas ng isang sekyu na nahatulan ng kasong Frustrated Homicide sa Lungsod ng Valenzuela matapos itong masakote sa pinagtataguang lugar sa lungsod ng Pasig.

Sa nakalap na impormasyon sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, nakatanggap ng impormasyon ang Valenzuela City Police Station na nagtatago sa Pasig City ang 42-anyos na akusado na residente ng Taguig City.

Nakatala ang akusado bilang No. 5 sa Top Ten Most Wanted Person sa Valenzuela Police at No. 9 naman sa NPD kaya ikinasa ng pulisya ang malawakang pagtugis sa kanya.

Sa koordinasyon sa National District Intelligence Team (NDIT), Regional Intelligence Unit–NCR (RIU-NCR), at Intelligence Group (IG), matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela CPS sa pangunguna ni P/Lt. Felix Viernes sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Robin Santos ang akusado dakong alas-9:50 ng gabi sa Ortigas Center, Pasig City.

Maayos naman umanong naisilbi sa akusado ang warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Branch 270, noong October 10, 2023, para sa service of sentence. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here