Home NATIONWIDE Magsasaka patay sa alagang baka

Magsasaka patay sa alagang baka

158
0

CEBU CITY- DUROG ang ulo ng isang magsasaka matapos atakihin ng alaga nitong baka na “toro”, iniulat kahapon, Pebrero 4, sa Medellin City.

Kinilala ang biktimang si Vivencio Booc Inot, 60, may-asawa, at residente ng Purok 4, Sityo Mapayapa, Barangay Canhabagat, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Medellin Police Station, bandang 3:00 PM ng Pebrero 3, 2026, natagpuan ang duguan bangkay ng biktima sa may kakahuyan malapit sa pinagtatalian ng alagang baka ng biktima.

Sa pahayag ng asawa ng biktima, alas 12:00 ng tanghali nagtungo ang kanyang mister sa alaga nitong baka pagkatapos uminom ng alak.

Subalit tatlong oras ang makalipas, ay hindi pa rin ito nakabalik ng bahay dahilan para ipasundo ito sa kanilang 15-anyos na anak na lalaki.

Dito, bumulaga sa harapan ng kanilang anak ang biktima na naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay.

Aminado naman ang asawa ng biktima na matapang kanilang alagang “Toro” at naghahabol ito ng mga taon dumadaan, kaya napagpasyahan na lamang niton ibenta ang baka para hindi na makapanakit pa ng ibang tao. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here