Home METRO Sekyu na wanted sa murder nalambat

Sekyu na wanted sa murder nalambat

LAMUT, Ifugao- Arestado ng Ifugao Police Provincial Office ang isang security guard na wanted sa murder na nagtago sa loob ng 20 taon, sa Barangay Poblacion West sa bayang ito nitong Martes.

Ayon sa mga pulis, ang suspek ay 41-anyos na lalaki mula Barangay La Fortuna, Impasug-ong, Bukidnon, at natukoy na national most wanted person.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Romeo Habbiling ng Lagawe, Ifugao, Regional Trial Court Branch 14 noong August 14, 2013, para sa kasong murder noong 2005 o halos 20 taon na ang nakalilipas.

Matapos ang dokumentasyon, dinala ang suspek sa Bureau of Jail Management and Penology-Ifugao District Jail sa Kiangan, Ifugao para sa wastong disposisyon. RNT/SA

Previous article24-oras na road repairs gugulong sa sunod na linggo – MMDA
Next articleClarin nakibahagi sa Elorde Awards