Home METRO Sekyu patay sa bala ng kabaro

Sekyu patay sa bala ng kabaro

MANILA, Philippines- Patay ang isang security guard nang barilin ng lasing na dati nang kaalitang kabaro sa Caloocan City.

Agad nagkikisay ang biktimang si Joel Moreno habang nahuli naman ang suspek na si Romnick Perote.

Naka-duty umano ang biktima sa isang subdivision sa Bagumbong, Caloocan nang dumating ang nakainom na suspek.

Nagsimula umanong mangulit si Perote hanggang sa magkasagutan at magpambuno sila ni Moreno.

Bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Tinangkang tumakas ng suspek ngunit nahuli rin sa Novaliches at nakatakdang humarap sa kasong murder at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunitions Law. Merly Iral