MANILA, Philippines – Ipagdiriwang ng Department of Justice (DOJ) ang ika-129 anibersaryo nito mula Setyembre 21-25, 2026 sa temang “Tanglaw ng Bayan: Pantay na Hustisya, Tunay na Pag-asa.”
Pangungunahan nina Secretary Fredderick A. Vida at Chief State Counsel Dennis Arvin L. Chan ang pagbubukas sa Setyembre 21 na may Photo Contest Exhibit, BuCor Painting Exhibit at Government Service Caravan na may serbisyo ng SSS, GSIS, NBI, Pag-IBIG at PSA.
Tampok din ang Wellness Day, Anniversary Bazaar, outreach sa PGH, exhibit sa UP Manila, at mga health talk, libreng medical check-up, YAKAP services, physical exam, flu vaccine at Zumba/Tai-Chi.
Magtatapos ang selebrasyon sa Setyembre 25 sa pamamagitan ng Thanksgiving Mass at paggawad ng PRAISE awards at photo contest winners.
Sa pamamagitan ng pagdiriwang, pinararangalan ng DOJ ang dedikasyon ng mga opisyal at kawani nito habang muling pinagtitibay ang pangako nitong maghatid ng napapanahon accessible at tumutugon na hustisya sa bawat Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden