Home NATIONWIDE Semana Santa sasamantalahin ng DPWH para magkumpuni ng daan

Semana Santa sasamantalahin ng DPWH para magkumpuni ng daan

150
0
via DPWH

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni ng ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila, kasabay ng inaasahang pagluwag ng daloy ng trapiko ngayong Semana Santa.

Ayon sa DPWH-National Capital Region, nagsimula ang road repairs noong Marso 30 at magtatagal hanggang Abril 6, na sumasaklaw sa Las Piñas, Muntinlupa, Maynila, Pasig, Valenzuela, at Quezon City.

Kabilang sa isinasagawang rehabilitasyon ang asphalt overlaying, pagpapagawa ng sidewalk, expansion joints, waterproofing, at iba pang pagkukumpuni sa mga tulay at kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.

Ilan sa mga apektadong lugar ang EDSA southbound sa Magallanes Flyover at bahagi ng EDSA mula Orense hanggang Buendia sa Makati; Rosario Bridge sa Ortigas Avenue sa Pasig; at MacArthur Highway sa Karuhatan, Valenzuela.

Sa Quezon City, may mga isinasagawang trabaho sa E. Rodriguez Sr. Avenue, G. Araneta Avenue, San Juan Bridge, at Lambingan Bridge, habang sumasailalim din sa rehabilitasyon ang Almirante Creek sa Las Piñas at Alabang-Muntinlupa Road.

Nagpaalala ang DPWH na magkakaroon ng pansamantalang partial road closures sa mga lugar na ito kaya’t pinapayuhan ang mga motorista na sumunod sa traffic advisories at gumamit ng alternatibong ruta.

Inaasahan namang luluwag ang trapiko sa Metro Manila dahil sa pag-uwi ng maraming biyahero sa kani-kanilang probinsya para sa Semana Santa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here