Home ENTERTAINMENT Sen. Chiz, may ‘kalalagyan’ na pag wala na sa pulitika!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sen. Chiz, may ‘kalalagyan’ na pag wala na sa pulitika!November 28, 2025 20:383150 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sa kanilang tahanan nagaganap ang photo shoot ni Heart Evangelista.And guess kung sino ang fashion photographer na pumipitik ng camera sa bawat pose ni Heart.Sino pa kundi ang kanyang kabiyak na si Senate President Chiz Escudero.Ang siste, ang mambabatas ang may hawak ng camera habang minamanduhan siya ni Heart kung saan pupuwesto to achieve better angling.Pagkatapos nga ng photo shoot ay ginawaran ng global fashion icon ng halik sa pingi ang kanyang ever-supportive hubby.With a kiss on the cheek came Heart’s dialogue na: “It was made with love. I can’t wait to see the pics!”Ikinaaliw naman ng mga fans ang ipinost na reel ni Heart, with matching pagbibiro pa ng mga ito.Addressed ang birong ‘yon sa senador na siguradong may kalalagyan na raw kung ayaw na nitong magpulitika.Hindi raw magiging problema ni Chiz na maghanap ng career bilang personal photographer ni Heart.Matatandaang nag-rub off na rin sa mambabatas ang pagkahilig manood ng mga fashion events na dinadaluhan ni Heart.Samantala, maging si Heart ay naba-bash din sa pahayag ng mister na bawasan ang holidays sa bansa.Truth be told, walang ganoong sinabi si Chiz kundi huwag nang dagdagan ang mga holidays.Heart cried: “Fake news!” for attributing it to her husband, “Hindi babawasan kundi hindi na dadagdagan!”Hmmm, come to think of it. Ronnie Carrasco III