Home ENTERTAINMENT Eman, may banat sa mga girlet na bet magpabuntis!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Eman, may banat sa mga girlet na bet magpabuntis!November 28, 2025 20:322850 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Instant rise to fame.Ito ngayon ang nakakalulang kinalalagyan ni Eman Pacquiao matapos tahakin din ang landas ng kanyang amang si Manny Pacquiao.Masasabing bukod sa kanyang mga ugat, malaking bentahe rin ang pagkakaroon ng guwaping looks.Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, nagpasampol ang binata ng iba’t ibang anggulo kung saan nakakahawig niya ang ilang sikat na artista.Marami ang nagsasabing ‘di sila nagkakalayo ni Piolo Pascual, na na-meet na niya nang personal.At ka-chat pa!Sa harapan nama’y pareho daw silang tumitig ni Dingdong Dantes.No wonder, girls get giddy when they see him in public.Humbly, inamin ni Eman na may mga female fans daw niya na kinukurot siya sa panggigigil.“Ano ang reaksyon mo?” usisa ni Boy.“Basta sinasabihan ko lang sila ng, ‘God, bless you!’ Siyempre, napa-flatter din ako!” aniya.Medyo nahihiya pa pero itinuloy na rin ni Boy ang pagtatanong if there are swooning girls who want Eman to get them pregnant.“Meron din po!” medyo shy pang pag-amin ni Eman.Pag ganoon daw ay bumabanat siya ng anyang standard line na: “God bless you.”Napabunghalit tuloy ng tawa ang King of Talk. Ronnie Carrasco III