Home TOP STORIES Sen. Imee Marcos, nakiisa sa panawagan ng mga taga-Lupang Arenda

Sen. Imee Marcos, nakiisa sa panawagan ng mga taga-Lupang Arenda

RIZAL – Nakipagpulong si Senadora Imee Marcos sa mahigit 200 kinatawan mula sa 24 homeowners associations ng Lupang Arenda sa Taytay, Rizal, ngayong Abril 21 upang talakayin ang matagal nang panawagan para sa ligtas at legal na paninirahan.

Sa dayalogo, kinilala ni Marcos ang tatlong dekadang pakikibaka ng mga residente at iginiit ang kahalagahan ng Senate Resolution No. 900, na naglalayong imbestigahan ang pagkaantala ng proklamasyon ng lugar bilang social housing site.

“Panahon na para sa malinaw na aksyon. Tama na ang 30 taon!” ani Marcos, sabay panawagan sa mga ahensya ng gobyerno na maghain na ng kinakailangang ulat.

Nagpahayag din siya ng suporta sa APOLA at tiniyak ang patuloy na pagtutulak ng kanyang opisina para sa makatarungan at makataong solusyon. “Hindi lang ito usapin ng pabahay — ito’y usapin ng hustisya at pangarap ng bawat pamilyang Pilipino,” pagtatapos ni Marcos.