BENITO SOLIVEN, Isabela- Arestado ang tinaguriang top 7 Most Wanted Person-Regional Level ng National Capital Region (NCR) sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Placer, Benito Soliven, Isabela.
Bilang tugon sa direktiba ni PCol. Lee Allen ‘LABB’ B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na tugusin at hulihin ang mga nagkasala sa batas para mabigyan ng hustisya ang mga biktima kung kayat naaresto ang suspek na si alyas ” Frank”, 29-anyos, cellphone technician, at tubong Benito Soliven, Isabela.
Si alyas “Frank” ay binansagan ring top 1 most wanted Provincial Level sa Metro Manila at top 2 naman sa City of Manila habang sa NCR ay top 7.
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng National Capital Judicial Region Branch 6, Metro Manila noong January 23, 2024 sa kasong Statutory Rape at Sexual Assault.
Dinala ang suspek sa himpilan ng Benito Soliven Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.
Samantala, pinuri ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng Benito Soliven Police Station, Regional at Provincial Intelligence Team, NCR Police Office, Regional Mobile Force Battalion o RMFB at IPPO. Rey Velasco