Kinilala ng Manila Doctors Hospital ang mga kontribusyon ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagtaguyod ng kalusugan at kapakanan ng Filipino sa ginanap na SHINE Awards 2024 noong Pebrero 20, 2025.
Ang kaganapan ay pinangunahan ng Manila Doctors Hospital Board of Directors, kasama sina Ms. Arlene P. Ledesma, Presidente at CEO; Ms. Anjanette Dy-Buncio, chairperson, at G. Aniceto M. SobrepeƱa, ang vice chairman.
Kinilala rin ang Senate Public Assistance Office (SPAO) sa pangunguna ni Director General Lino S. Ong sa SHINE 2024 Awards para sa walang patid nitong pangako sa pagbibigay ng dekalidad, walang diskriminasyong pangangalagang pangkalusugan sa mga komunidad na kulang sa serbisyo. RNT