Home NATIONWIDE Sen. Mark, Camille Villar iimbestigahan ng Ombudsman sa LRT-1 Cavite extension project

Sen. Mark, Camille Villar iimbestigahan ng Ombudsman sa LRT-1 Cavite extension project

1
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang mga paratang na umano’y nakialam sina Senators Mark Villar at Camille Villar sa implementasyon ng LRT-1 extension project sa Cavite.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa isang panayam sa radyo, tinitingnan ng graft investigators ang mga reklamo na maaaring nakaapekto umano ang dalawang senador sa pagkaantala ng konstruksyon ng Niog Station sa Bacoor, Cavite, na target matapos sa 2027.

“Iniimbestigahan namin… kasi dapat ‘yan, umabot na ng Cavite ‘yan. Kaya lang ang naging kwento, we are still determining kung totoo o hindi, meron talagang senador, two senators, ‘yung mga Villar, who were going against the alignment,” ani Remulla.

Ayon kay Remulla, sinisilip din ang alegasyon na may panukala umanong baguhin ang ruta ng railway para dumaan sa C-5 Road sa Las Piñas, kung saan may mga ari-arian umano ang pamilya Villar.

“Gusto nila dumaan sa lupa nila kasi may alignment na ‘yan doon sa Sucat. Doon tinigil nila… gusto nila itaas sa C-5 kung saan may lupa sila,” ani pa niya.

Dagdag pa niya, posibleng nakaapekto ang pagtutol ng ilang mambabatas sa malalaking infrastructure projects ng gobyerno.

“We are investing in infrastructure using people’s money. Ang ating budget dapat naka-support dyan. Ang problema, if it goes against their interest, ayaw nila suportahan. Hinaharang nila,” aniya.

Sinabi rin ni Remulla na iniimbestigahan nila ang mga dokumento at komunikasyon mula sa mga ahensyang sangkot sa proyekto.

Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng mga Villar kaugnay ng mga alegasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here