Home IN PHOTOS Mural ng mga OFW, ipininta sa DMW headquarters sa Mandaluyong

Mural ng mga OFW, ipininta sa DMW headquarters sa Mandaluyong

4
0

Isang mural painting na naglalarawan sa buhay ng mga overseas Filipino workers (OFW) ang ipininta sa mga pader ng main office ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Mandaluyong City.

Ipinapakita ng artwork ang sakripisyo at buhay ng mga OFW, na tinaguriang “mga bagong bayani” dahil sa kanilang malaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang padala o remittances.

Ang mural ay layuning bigyang-pugay ang mga OFW at ipakita ang kanilang mahalagang papel sa lipunan. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here