Home NATIONWIDE Miriam Defensor-Santiago, inalala sa kanyang ika-81 kaarawan

Miriam Defensor-Santiago, inalala sa kanyang ika-81 kaarawan

3
0

MANILA, Philippines – Inalala ngayong June 15, 2026 ang yumaong Senadora Miriam Defensor-Santiago sa dapat sana’y kanyang ika-81 kaarawan.

Si Santiago ay isang kilalang Pilipinong abogado at pulitiko na nakilala sa matapang na pananalita at talas ng isip. Nagsilbi siya sa tatlong sangay ng gobyerno—hudikatura, ehekutibo, at lehislatura—at tumagal bilang isa sa mga pinakakilalang senador ng bansa.

Kinikilala siya ng Senado bilang isa sa pinakamatalinong lider ng Pilipinas, matapos niyang makuha ang mga degree na Bachelor of Arts (magna cum laude) at Bachelor of Laws (cum laude) mula sa University of the Philippines.

Nag-aral din siya sa ibang bansa at nakapagtapos ng Master of Laws at Doctor of Juridical Science sa University of Michigan. Nakumpleto rin niya ang academic requirements para sa Master of Arts in Religious Studies sa Maryhill School of Theology.

Isa rin siya sa mga Pilipinong kinilala sa international stage matapos mahalal sa International Criminal Court (ICC), ngunit hindi niya ito nagampanan dahil sa kanyang karamdaman.

Na-diagnose siya noong 2014 ng stage 4 lung cancer matapos ding makaranas ng chronic fatigue syndrome.

Sa kabila nito, patuloy siyang lumaban gamit ang kanyang kilalang katapangan at humor, at minsan ay sinabing gumaling o bumagal ang kanyang cancer.

Pinarangalan din siya ng Ramon Magsaysay Award for Government Service at kinilala bilang isa sa “100 Most Powerful Women in the World” ng isang international magazine.

Patuloy siyang inaalala ng maraming Pilipino bilang isa sa mga pinaka-iconic na lider ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here