Home HOME BANNER STORY Sen. Raffy Tulfo muling nanawagan sa pag-alis ng travel tax sa economy...

Sen. Raffy Tulfo muling nanawagan sa pag-alis ng travel tax sa economy class

237
0

MANILA, Philippines – Muling nanawagan si Senator Raffy Tulfo sa pag-alis ng travel tax sa mga Pilipinong nagbibiyahe sa economy class, na aniya’y nagdudulot ng “labis na pinansyal na pasanin” sa ordinaryong manlalakbay na nakakaranas na ng iba’t ibang buwis.

Ayon kay Tulfo, tagapangulo ng Senate Committee on Public Services, ang panukala niya sa ilalim ng Senate Bill No. 88 ay naglalayong i-exempt ang economy class passengers mula sa travel tax, habang mananatili ang buwis sa mga nagbibiyahe sa business at first-class.

“Hindi maikakaila na ang ordinaryong Pilipinong manlalakbay, lalo na ang mga nasa economy class, ay nabibigatan sa pinansyal dahil sa travel tax,” ani Tulfo.

“Dagdag pa rito ang mabigat na obligasyon sa buwis tulad ng income at consumption taxes.”

Linaw ni Tulfo na ang panukala ay hindi tuluyang nag-aalis ng travel tax, kundi nagtatakda ng mas makatarungang istruktura, kung saan mananatili ang buwis sa mga may kakayahang pinansyal na nagbibiyahe sa business class o mas mataas.

Tiniyak din ng senador na hindi maaapektuhan ang pondo para sa mga programa ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), Commission on Higher Education (CHED), at National Commission for Culture and the Arts (NCCA). RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here