Home NATIONWIDE Sen. Tulfo nanawagan sa DOT sa pagpapababa ng presyo ng domestic flights...

Sen. Tulfo nanawagan sa DOT sa pagpapababa ng presyo ng domestic flights sa pag-angat ng turismo

326
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senator Erwin Tulfo sa Department of Tourism (DOT) na palakasin ang hakbang para pababain ang presyo ng domestic flights upang makipagsabayan sa ibang bansa sa Southeast Asia sa bilang ng mga turista.

Ayon kay Tulfo, mas pinipili ng mga Pilipino at dayuhan ang Hong Kong o Taiwan dahil mas mahal ang pamasahe sa domestic flights gaya ng Batanes o Tawi-Tawi kumpara sa isang round-trip ticket sa ibang bansa.

Tiniyak naman ni Sen. Loren Legarda, na nagtatanggol sa DOT budget, na nakikipag-ugnayan ang DOT sa DOTr, Civil Aeronautics Board, DTI, at Philippine Competition Commission upang masiguro ang transparent at patas na presyo sa mga online travel agencies.

Ipinakita ng travel data mula sa seasia.stats na mula Enero hanggang Agosto 2025, umabot sa 3.96 milyon ang international arrivals sa Pilipinas, mas mababa kumpara sa Malaysia (28.24M), Thailand (21.88M), at iba pang bansa sa rehiyon.

Hinihikayat din ni Tulfo ang DOT na magpatupad ng direct flights sa mga lalawigan at i-promote ang mga hindi gaanong kilalang destinasyon tulad ng Marinduque at iba pa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here