MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin “Win” Gatchalian na siya ay “98 percent confident” na malinis ang 2026 national budget.
“Malinis. Meaning, merong detalye, merong station number, validated ng DPWH. And not only DPWH, kasama na rin yung NIA, kasama na rin Farm to Market Roads,” ani Gatchalian, na binigyang-diin na walang red flags ang budget.
Ayon sa kanya, hindi lahat ng proposed amendments ng mga senador ang naisama, ngunit kalakhan ng mga pagbabago ay na-incorporate.
Ang ilang amendments ay hinihiling ng mga ahensya o ipinakita lamang sa plenaryo sa panahon ng deliberasyon.
Ipinaliwanag niya na ang masusing review ang dahilan ng pagkaantala ng second reading dahil may ilang senators na naglobby para sa adjustments, at may mga ahensya ring nagpadala ng last-minute letters o presentasyon.
Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na walang reenacted budget para sa 2026 at binigyang-diin ang transparency: “Anything na ipapasa, must be on the table, must be read, must be shown on livestream at alam ng publiko ano nilagay, sino naglagay.” RNT