MANILA, Philippines – Patay ang dating barangay kagawad ng San Pedro, Pateros na si Mark Herman Tañga, matapos siyang barilin ng riding-in-tandem. Kinuha rin ang kaniyang bag na naglalaman ng ₱500,000.
Makikita sa CCTV na sinundan siya ng dalawang suspek bago ang insidente sa Barangay Ususan, Taguig.
Kinuha ng isa sa mga suspek ang bag at pinagbabaril si Tañga habang tumatakas. Nakuha rin ang kanyang motorsiklo ngunit iniwan sa malapit.
Iniimbestigahan ng pulisya ang motibo, at tinitingnan ang pagnanakaw bilang posibleng dahilan.
Nag-alok ang lokal na pamahalaan ng ₱300,000 reward sa makapagbibigay ng impormasyon.
Kilalang aktibo sa komunidad si Tañga, madalas na nagbabayad ng personal para sa mga gastusin ng barangay at liga. RNT