Home NATIONWIDE Senado hinimok ng CBCP, impeachment trial ni VP Sara agad simulan

Senado hinimok ng CBCP, impeachment trial ni VP Sara agad simulan

70
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ngayong Martes, Mayo 12 sa Senado na agad magtipon bilang impeachment court at simulan ang paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang pahayag, hinimok ng CBCP ang mga senador na “sumunod sa itinakda ng Konstitusyon,” matapos ianunsyo na inaprubahan na ng House of Representatives ang impeachment laban kay Duterte at ihaharap na ang kaso sa Senado.

Nanawagan din ang grupo na magsagawa ng paglilitis ang Senado sa pamamagitan ng pagpapatawag ng mga tesigo, pakikinig sa mga testimonya, at pagboto batay sa ebidensya at higit sa lahat, sa hinihingi ng katuwiran at katarungan.

Ang pahayag na ito ay kasunod ng nangyaring kudeta sa Senado noong Lunes, kung saan tinanggal si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng 13 sa 24 na senador at pinalitan siya ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Ayon sa CBCP, ang pagkaantala ng paglilitis ay nagdudulot ng pagkaantala sa katarungan para sa sambayanang Pilipino at kay Duterte.

Hinikayat din ng CBCP ang publiko na manatiling mapagbantay sa proseso ng impeachment, at tumulong na “itaguyod ang katotohanan, pangalagaan ang integridad ng pampublikong diskurso, at patatagin ang ating bansa laban sa maling impormasyon, disimpormasyon, at manipulasyon.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here