Home NATIONWIDE Senado, Kamara pinagkokomento ng SC sa petisyon ni VP Sara sa pagbasura...

Senado, Kamara pinagkokomento ng SC sa petisyon ni VP Sara sa pagbasura ng impeachment complaint

MANILA, Philippines – Pinagpapaliwanag na ng Korte Suprema ang Senado at Kamara kaugnay sa petisyon ni Vice President Sara Duterte na ideklarang walang bisa ang impeachment complaint laban sa kanya.

Sa En Banc Resolution ng Supreme Court, binigyan ng hindi lalampas sa sampung araw ang Kongreso para magkomento sa petisyon.

Magugunita na Pebrero 18 ay naghain ang kampo ni VP Sara ng petition for certiorari and prohibition.

Giit ni Duterte, labag sa Konstitusyon ang aksyon ng Kongreso sa isang impeachment complaint dahil nakasaad sa Saligang Batas na maaaring magsampa lamang ng reklamo sa loob ng isang taon. Teresa Tavares