Home NATIONWIDE Senado nagpaliwanag sa SC sa hindi paghahain ng komento sa petisyon ni...

Senado nagpaliwanag sa SC sa hindi paghahain ng komento sa petisyon ni VP Sara

MANILA, Philippines- Tumanggi ang Senado na maghain ng komento sa Korte Suprema kaugnay sa petisyong inihain ni Vice President Sara Duterte na humihiling na mapawalang-bisa ang impeachment proceedings laban sa kanya.

Iginiit ng Senado na mayroon itong nag-iisang kapangyatihan para magdesisyon sa impeachment cases salig sa mandato nito sa 1987 Constitution.

Ito ang nakapaloob sa isinumiteng Manifestation Ad Cautelam ng Senado sa Supreme Court (SC) sa pamamagitan ng legal counsel nito na si Maria Valentina Cruz.

Ang isinumiteng Manifestation Ad Cautelam ay bilang kapalit sa kautusan ng SC En Banc na maghain ng komento ang Senado hinggil sa petisyun ni VP Sara.

Binanggit sa Manifestation na nasa Konstitusyon na inaatasan ang Senado na mag-convene bilang Impeachment Court para dinggin at pagdesisyunan ang mga kaso ng impeachable officials.

“Respondent Senate, which has the sole power to try and decide all cases of impeachment under the Constitution, cannot therefore possibly make a comment on the Petition and thus, asks the Honorable Court that it be excused from submitting the comment,” nakasaad sa pleading. Teresa Tavares