Home HOME BANNER STORY Senado pinagkokomento sa petisyong simulan ang impeachment proceedings vs VP Sara

Senado pinagkokomento sa petisyong simulan ang impeachment proceedings vs VP Sara

MANILA, Philippines- Pinasasagot na ng Korte Suprema ang Senado hinggil sa petisyon na humihiling na agarang simulan ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Supreme Court spokesperson Atty. Camille Sue Ting, naging mabilis ang kanilang pag-aksyon sa petisyon dahil isa umano itong “national concern.”

May kapangyarihan din aniya ang Mataas na Korte na makialam sa petisyon kaugnay sa impeachment dahil nakasaad sa Saligang Batas na maaari nilang determinahin ang anumang petisyon kahit pa saang sangay ng gobyerno ito nanggagaling.

Sa En Banc Resolution ng SC, binibigyan ng 10 araw ng Supreme Court ang Senado para magkomento sa inihaing petisyon. Teresa Tavares